Posts

PANAGHOY NG SUMUBOK

Sa simula ay hindi mo yata naisip, Si hindi mo rin yata talagang nawari. Kung ano ang iyong tunay na nais, Ang kinabukasan ay hindi sa iyo sumagi. Sa iyong pagpasok, ikaw ay natakot; Kasabay nito ang pagmangha sa mga nakatapos. Ginawang inspirasyon, sa kanila ay sumaludo. Unti-unting nagkakulay, bukas na malabo. Nagpursige, kumayod, Sinunog ang kilay na nauubos. Dahil sinabi mong kakayanin mo, Kinaya mo nga at ikaw ay nagpatuloy. Ngunit may mga sandaling malapit ka nang sumuko, Mga pagsusulit na hindi mo kayang mapuntos, Nagkaroon ng pagdududa, sa sarili ay nagmakaawa Na sana ay gumaling pa, na sana ay maging katulad nila. Malapit ka na! Isang taon pang pagdurusa. Para makamit ang biyaya, ikaw ay dapat pumusta. Mayroon nang mga nahulog sa bitag ng pagsubok Pero alam mong kaya nilang umahon dahil sila nga ay tunay nang nasubok. Ang sabi pa nga, "kung kaya nila ay kaya mo rin". Itaga itong linya sa bato at siguradong pagnanais mo ay makakamit rin. Huwag mong kalimutan, huwag ka